Kelot tinawag na ‘boomer,’ naghuramentado

NAHAHARAP sa patong-patong na reklamo ang obrero na nagwala at tinakot ang kapitbahay sa Brgy. Luz, Cebu City noong Miyerkules.

Ayon sa ulat, lasing na kinumpronta ng suspek, 51, residente ng Sitio Mabuhay, ang 31-anyos na kapitbahay.

Nakasukbit sa beywang nito ang isang baril nang harapin ang kaalitan. Agad namang tumawag ng pulis ang biktima at ipinadampot ang suspek.

Sa presinto, nadiskubre na laruan lamang ang baril na pag-aari umano ng apo ng suspek. Inamin ng suspek na nagwala at nakipagtalo sa biktima dahil paulit-ulit umano siya nitong tinatawag na matanda.