Karnaper huli sa akto; suot na anting-anting hindi tumalab

SHOOT sa kulungan ang lalaki na nahuli sa aktong tinatangay ang isang motorsiklo na nakaparada sa Naga City, Cebu.

Nakasakay na ang suspek sa motorsiklo nang datnan siya ng may-ari na agad siyang kinumpronta at kinaladkad sa barangay hall bago dinala sa presinto.

Sa isang panayam, sinabi ng suspek na hindi niya inakalang mahuhuli siya sa krimen dahil sa suot niyang anting-anting.

Aniya, may bisa ang mga tinipon niyang bote na ginawang kuwintas para mapaandar ang anumang sasakyan.

Pursigido namang ireklamo ng biktima, 19, residente ng Upper Kalahuan, Minglanilla, ang kawatan.