Ipoipo nanalasa sa Northern Samar 

NAPINSALA ang ilang bahay at mga istraktura nang hagupitin ng ipoipo ang isang barangay sa Lavezares, Northern Samar kasabay ng pananalasa ng bagyong Aghon nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat, apat na bahay ang nawasak at walo naman ang bahagyang napinsala sa Brgy. Caburihan.

Nasira rin ang covered court ng barangay.

Ayon sa Facebook user na si January Flores, mahimbing silang natutulog nang manalasa ang ipoipo.

Maliban sa pinsala sa kanilang bahay, sinabi ni Flores na nabasa ang mga gamit nila.

Makikita sa video na kuha ni Flores ang iniwan na pinsala ng ipoipo.

Wala namang nasaktan sa insidente, ayon sa mga otoridad.