NAGDADALAMHATI ang mga taga-Ilagan, Isabela sa pagkakatupok sa St. Ferdinand Parish Church nitong Lunes kung saan wala ni isang imahen na naisalba.
Inaalam pa ng mga Katolikong residente ng siyudad kung saan gaganapin ang misa sa mga susunod na araw.
Nanghihinayang din si Bishop David William Antonio ng Diocease of Ilagan sa sinapit ng simbahan na itinayo noong 1600s.
Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy alas-11:40 ng umaga habang kinukumpini ito.
Nilalagyan ng mga steel trusses ang kisame para pagkabitan ng mga ceiling fan nang bigla na lang itong umapoy.
Agad namang nakaresponde ang mga pamatay-sunog subalit nalamon pa rin ng apoy ang malaking bahagi ng simbahan.
“The fire ravaged everything,” ani parish priest Father Ric-Zeus Angobang. “Nobody wants this, but we can surrender to God’s mercy and rise from these ashes, and work together to rebuild it.”