NATAGPUAN ang katawan ng 45-anyos na babae sa loob ng tiyan ng higanteng sawa sa South Sulawesi, Indonesia.
Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Farida sa loob ng sawa na may haba na 16 metro.
Napag-alaman na noon pang Huwebes hindi umuuwi ng bahay si Farida, may apat na anak, kaya nagsagawa ng operasyon ang magkakapitbahay.
Naghinala na may masamang nangyari sa asawa nang makita ng mister ni Farida ang mga gamit nito sa isang damuhan.
“Her husband found her belongings… which made him suspicious. The villagers then searched the area. They soon spotted a python with a large belly,” ayon sa pinuno ng kanilang komunidad na si Suardi Rosi.
“They agreed to cut open the python’s stomach. As soon as they did, Farida’s head was immediately visible,” dagdag ni Rosi.
Buo pa ang suot na damit ni Farida nang makita ito sa loob ng ahas.
Hindi karaniwan ang nasabing insidente sa Indonesia bagaman ilang tao na ang naiulat na nilulon ng sawa sa mga nakalipas na taon.
Noong 2023, kinatay ng mga taga-Tinanggea sa South Sulawesi ang walong-metrong sawa nang makitang kinakain nito ang isang magsasaka.
Isang 54-anyos na babae naman ang natagpuan sa loob ng pitong-metrong sawa sa bayan ng Muna sa South Sulawesi pa rin noong 2018.
Bago iyon, noong 2017, isang magsasaka ang kinain nang buhay ng apat na metrong sawa sa West Sulawesi.