DEAD on the spot ang babaeng pipi at bingi na pinagbabaril ng kandidato sa pagka-municipal councilor sa Tayum, Abra nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Florida Teneza, 39, ng Sitio Pitao, Brgy. Bagalay, Tayum.
Agad namang nasakote ang suspek na si Bobby Briosos makaraan ang pagpatay.
Base sa imbestigasyon, pinasok ni Briosos ang bahay ni Teneza saka niya ito niratrat ng bala.
Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.
Napag-alaman na tatakbo sa pagkakonsehal sa Tayum ang suspek na isang dating security guard.