Davao vlogger timbog sa buy-bust

SHOOT sa selda ang vlogger na si Christ Briand makaraang dakpin sa buy-bust operation sa isang bar sa Ma-a, Davao City.

Ayon sa ulat, nasakote si Christ Briand o Christ Briand P. Oncada makaraang pagbentahan ng marijuana ang isang undercover cop.

Nakuha kay Oncada ang mga pinatuyong marijuana na nasa sachet at cling wrap na may street value na 4,375 at 15 botelya ng marijuana oil na may label na “love and respect by crist briand.”

Nasamsam din ng pulisya ang tatlong units ng mobile phone at isang pekeng P1,000 bill at isang piraso ng genuine P1000 bill.

Ayon sa mga otoridad, nahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.