Dalagita kinatay ni tatay

MALAGIM ang naging katapusan ng isang 16-anyos na babae na sinakal at sinaksak ng  kanyang sariling ama sa Tuguegarao City, Cagayan. 

Naitakbo pa sa pagamutan ang bata pero hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.

Lumabas sa imbestigasyon na bago ang pagpatay sa dalagita ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng ama.

Sinubukan ng mga kaanak na mamagitan pero nabigla ang mga ito nang sakalin at saksakin ng suspek ang anak.

Tumakas ang 34-anyos na suspek makaraan ang pagpatay.

Hindi naman idinetalye ng pulisya ang ugat ng away ng mag-ama.

Nakatakda namang umuwi sa Pilipinas ang ina ng biktima na nagtatrabaho sa ibang bansa.