ISINAILALIM sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu dahil sa epekto ng El Niño.
Sa anunsyo ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, sinaba nito na malaki na ang pinsalang idinudulong ng matinding tagtuyot dala ng epekto ng phenomenon, dahilan para ideklara ang state of calamity.
“Today [May 17], I will issue an executive order that will put the entire province in the state of calamity and will be further supported by a board resolution that will be passed when the provincial board meets this Monday [May 20],” ani Garcia sa press conference nitong Biyernes.
Sa Mayo 23, iko-convene ni Garcia and ang mga alkalde sa lalawigan para pag-usapan ang mga istratehiya kung paano tutugunan ang problemang naidulot ng El Niño.