Buntis dedbol sa motor vs van

NASAWI ang isang buntis nang mabangga ng van ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Barangay Dungo-an, Manjuyod, Negros Oriental.

Ayon sa ulat, sakay ang buntis sa motorsiklong minamaneho ng kanyang asawa nang lumipat ng lane ang mister.

Hindi na nakaiwas ang asawa nang salpukin sila ng kasalubong na van. Sa lakas ng impact ay tumalsik saka gumulong sa kalsada ang biktima na kanyang kaagad na ikinamatay. 

Ginagamot sa ospital ang mister niya. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng van na nahaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury and damage to property.

Napag-alaman na patungo sa barangay health center ang nag-asawa nang maganap ang insidente.