Bebot nakatulog sa taxi, nagising sa motel

HIMAS-rehas ang taxi driver na ginahasa umano ang lasing na babaeng pasahero sa motel sa  Cebu City noong Miyerkules.

Sa reklamo, sinabi ng 26-anyos na call center agent na sumakay siya sa taxi makaraang makipag-inuman sa mga katrabaho.

Nagising na lamang siya na walang saplot at katabi ang driver.

Inamin ng suspek sa biktima na ginalaw niya ito pero sinabing “huwag kang mag-aalala dahil hindi ko pinutok sa loob.”

Nang makalabas ng establisimento ay agad nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktima. Nasakote ang suspek makaraan ang ilang oras habang naghihintay ng pasahero.