INARESTO ng pulisya ang aktor na si Baron Geisler, Frederick Von Baron sa tunay na buhay, nitong Sabado dahil sa kanyang sobrang kalasingan.
Dinakip ang aktor alas 3:50 ng madaling araw sa Psalm St., H. Abellana, Barangay Canduman, Mandaue City dahil sa pambubulabog nito sa lugar dala ng matinding kalasingan.
Residente sa lugar ang aktor at ang pamilya nito.
Ilang oras ding ikinulong ang aktor dahil sa kasong paglabag sa City Ordinance No. 11-2008-434 at saka pinalaya matapos makapagpiyansa.
Matatandaan na hindi ito ang unang beses na inaresto si Geisler dahil sa matinding kalasingan.