PINABULAANAN ng mga otoridad na katawan ng higanteng page o manta ray ang natagpuang nabubulok sa baybayin ng Brgy. Calaboon sa Dumanjug, Cebu nitong Linggo.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources in Central Visayas (BFAR 7), hindi maaaring page ang naanod dahil may mga buto na naiwan ang nasabing laman-dagat.
Paliwanag ng BFAR-7 ang pagi ay isang “cartilaginous species” na imbes na buto ay mga cartilage ang kalansay nito.
“Rays are cartilaginous species so no vertebrate should have been recovered from its carcass,” ani Johann Tejada, fishing regulation officer II ng BFAR-7.
Paniwala ng opisyal, isa itong klase ng marine mammal.
Walang plano ang tanggapan na alamin pa kung anong uri ng nilalang ang hayop at inirekomenda niya na agad itong ilibing.