Bangkay binaboy sa sementeryo

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang nasa likod ng pambabalahura sa bangkay ng isang babae na nakalibing sa Ocaña Cemetery sa  Carcar City nitong Linggo.

Ayon sa ulat, isang araw pa lamang naililibing ang babae nang lapastanginin ito ng hindi pa nakikilalang salarin.

Sinabi ng pulisya na natagpuan ng sepulturero ang kabaong sa labas ng puntod kahapon ng umaga kaya agad itong ipinagbigay-alam sa pamilya.

Nang buksan ang kabaong, na ginawa nang may basbas ng pamilya, nakita na nakalilis na ang damit ng bangkay at wala na itong damit-panloob.

Dahil dito, pinaniniwalaan na inabuso ang bangkay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.