Bahay inararo ng truck: 6 todas

NASAWI ang anim na katao nang araruhin ng isang truck ang anim na bahay sa Calbayog City, Samar nitong Martes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, dead on the spot ang mga biktima, kabilang ang isang menor de edad at dalawang senior citizens.

Agad namang nasakote ng mga otoridad ang driver ng truck, isang Charles, 40, residente ng Caloocan City.

Nahaharap ito sa reklamong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property.

Base sa imbestigasyon, binabaybay ng truck ang Maharlika Highway sa Brgy. Caglanipao Sur, Tinambacan District nang mawalan umano ito ng preno at dumire-diretso sa mga bahay sa gilid ng kalsada. Nasugatan din sa insidente ang driver at kanyang pahinante.