NAITALA sa kasaysayan si Amy Alvarez bilang kauna-unahang babaeng gobernador ng Palawan matapos makakuha ng 264,363 boto sa halalan noong Mayo 12.
Prinoklama si Alvarez ng Provincial Board of Canvassers noong gabi ng Mayo 13, kasama ang kanyang running mate na si Leoncio Ola ng Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP).
Ayon kay Alvarez, ang kasalukuyang alkalde ng San Vicente, ipatutupad niya sa buong lalawigan ang mga programang napatunayan na sa kanyang bayan.
“Yung ginagawa namin sa San Vicente, we have free maintenance [medicines] for everybody. So for the whole province, I want [to give] free maintenance medicines for the PWD and senior citizens delivered to their barangays. Then I will make all the provincial hospitals free for Palaweños,” ani Alvarez.
Sinabi rin niyang gagamitin niya ang mas malaking pondo ng Kapitolyo upang palawakin ang iba psng libreng serbisyong medikal na kasalukuyan nang ibinibigay sa District Hospital ng San Vicente.
Dagdag pa niya, bibigyang pansin din niya ang mga paaralang wala pang ilaw at internet.
“Then yung electricity—I want to [provide power] to all the schools na wala pang pailaw, and then put internet connections to all schools para hindi mahirapan ang mga teachers natin,” aniya.
Plano rin niyang palawakin ang scholarship program ng lalawigan para sa iba’t ibang kurso at dalhin ang TESDA training sa mga barangay.
Gayunman, sinabi ni Alvarez na makikipagpulong muna siya sa mga kinatawan ng kasalukuyang administrasyon para sa maayos na transition.
“I plan to go in maybe one month before so that we can transition smoothly and can find out everything that’s wrong and then assess lahat,” aniya.
Inamin ni Alvarez na hindi pa rin siya makapaniwala sa resulta ng halalan.
“I don’t know; it’s still shocking, still overwhelming until now because I’ve been with a lot of people, so hindi pa talaga nagsi-sink in,” wika niya.
“I’m very blessed and honored, and you won’t be sorry for me. That’s my promise to you,” dagdag niya.
Bilang gobernador, sinabi niyang magiging bukas siya ng publiko.
“I am more hands-on kasi nag-mayor din ako. So I’m always around the people. So alam ko ang galaw sa baba,” dagdag pa niya.