9-anyos hinalay, pinatay ng senior

BAGSAK sa kulungan ang senior citizen na umano’y gumahasa at pumatay sa isang siyam-na-taong gulang na bata sa Lamitan City, Basilan.

Sinampahan na ng reklamong rape with homicide ang 65-anyos na suspek, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat, nagpaalam ang bata na mamumulot ng nahulog na bunga ng mangga pero hindi na ito nakabalik.

Ginalugad ng kapamilya ang barangay hanggang natagpuan nila ang bata na wala nang buhay. Nakapulupot sa leeg nito ang pajama na kanyang suot. Isang residente ang inginuso ang suspek na huling nakitang kasama ng paslit bago ito natagpuang patay.