3 bata patay, 2 sugatan sa Iloilo fire

NASAWI ang tatlong magkakapatid na bata habang dalawa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Brgy. Dalusan, Maasin, Iloilo.

Ayon sa pulisya, natutulog ang mga biktima nang sumiklab ang sunog noong Miyerkoles ng gabi.

Dalawa sa mga nasawi, isang 5-anyos na babae at 4-anyos na lalaki, ay mayroong polio.

Naisalba sa nasusunog na bahay ang isa pang paslit pero idineklara itong dead on arrival sa ospital dahil sa mga tinamong matinding paso sa katawan.

Ginagamot naman sa ospital ang kanilang mga kuya, isang 12-anyos at isang 8-anyos, na nakalabas bago lamunin ng apoy ang bahay.

Napag-alaman na iniwang natutulog ng kanilang mga magulang ang mga bata para pumunta sa lamay sa kanilang kapitbahay. Sa isang siga malapit kanilang bahay ang pinagmulan ng sunog, ayon sa pulisya.