INIHAYAG ngayong araw ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na bukas siya sa pagtakbo bilang pangulo sa susunod na eleksyon.
Sa kanyang pagbisita sa Cebu, sinabi ni Duterte-Carpio na hindi siya kontra sa ideya na pumalit sa babakantehin na puwesto ng kanyang ama.
“Yes, opo,” aniya nang tanungin kung may plano siyang tumakbo sa pinakamataas na puwesto sa 2022 elections.
Pero dagdag ni Duterte-Carpio, hindi pa pinal ang kanyang desisyon.
“Ang importante sa pagkakaron nga mahibal-an namo ang gihuna-huna sa mga tawo og unsay gusto sa mga tawo,” aniya.
(What is important now is that we know the sentiments of the people and what they really want.)
“Nagpasalamat ko sa mga supporters nako dinhi sa Cebu, sa ilang trust and confidence sa akoa. That is one of the reasons nganong naa mi dinhi because we want to ask the Cebuano people kung unsa ba gyod ilang gusto,” dagdag niya.
(I thank supporters here in Cebu for their trust and confidence. That is one of the reasons why I am here, to ask the people what they really wanted).