Xian Lim na-inspire kay Isko, papasok na rin sa politika?

BUKAS sa posibilidad ang aktor na si Xian Lim na pasukin ang mundo ng politika.


Ito ang inamin ni Xian sa pagharap niya sa media para sa biopic ni Manila Mayor Isko Moreno na “Yorme.”


Aminado ang aktor na na-inspire siya sa buhay ng alkalde.


“Sana. Kung mabibigyan po ng pagkakataon, hindi ba? Ang saya po noon,” ani Xian.


Gaya ni Moreno, gusto rin ni Xian na maging inspirasyon siya sa iba at maging instrumento ng pagbabago.


“I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito is the ability to inspire and change,” chika niya. –A. Mae Rodriguez