MAS marami pang kaarawan habang nakadetine sa The Hague, Netherlands ang bukod-tanging wish ng Bayan Muna party-list kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-80 kaarawan nitong Biyernes.
Sa Facebook page ng grupo, ipinost ng Bayan Muna ang isang video kasama ang ilan sa mga pamilyang umano’y mga biktima ng war on drugs ng dating Pangulo.
“More birthdays to come…in The Hague,” anang Bayan Muna party-list first nominee Neri Colmenares.
Ayon dito, kasabay ng birthday ni Duterte, ay gugunitain ng mga pamilya ng mga biktima ng pagpatay sa kasagsagan ng war on drugs ang mga masasaklap na dinanas ng kanilang mga kaanak.
“’Di tulad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, death anniversaries at hindi birthdays ang gugunitain ng mga pamilya ng biktima ng war on drugs,” pahayag ng grupo.