Win Gatchalian muling tatakbo sa Senado

MULING tatakbo si Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa Senado sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Naghain ng certificate of candidacy si Gatchalian Biyernes ng umaga.

“Matapos ang aking pagninilay, napagdesisyunan ko na sumabak sa re-election sa darating na halalan. Minabuti kong ipagpatuloy ang mga nasimulan kong trabaho sa Senado,” ayon sa senador.

Kung magpapatuloy ang termino ni Gatchalian, nais nito na masiguro ang pagsasabatas ng mga nakabinbin pang Senate Bill No. 1907 na layong suportahan ang inclusive education para sa mga mag-aaral na may kapansanan at ang panukalang “Teacher Education Excellence Act” na magtataas ng antas ng kalidad ng pagtuturo ng mga guro at pagsasanay nila.

“Masaya ako sa naging desisyon ko kaya pagtitibayin ko ang suportang ibibigay ng taong bayan,” ani Gatchalian.