Willie Ong pormal nang nanumpa sa Aksyon Demokratiko

PORMAL nang miyembro ng partido Aksyon Demokratiko si Dr. Willing Ong, ang vice presidential running mate ni Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 elections.

Nanumpa si Ong sa harap ni Moreno ngayong Sabado, Sept. 2, ilang araw matapos pormal na ianunsyo ang kanilang tandem para sa nalalapit na halalan.

Dinaluhan ang panunumpa ng misis ni Ong na si Liza at ni Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel Jr.

Nauna nang nagbitiw si Ong bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.