NANINIWALA ni Dr. Willie Ong na kailangan ng bansa ang isang lider na doktor.
“We need a doctor inside government, the pandemic will be here for at least 2024. Not only Covid, heart disease has increased by 25, 000, 20,000 deaths in 2020,” ani Ong matapos ianunsyo ang pagtakbo niya bilang bise-presidente sa darating na eleksyon.
Sinabi ng running mate ni Manila Mayor Isko Moreno na isa mga plano niya sakaling maihalal ay ang pagtatayo ng infectious disease hospital.
“We need an infectious disease hospital, it could be done. We need a CDC (Centers for Disease Control and Prevention) for our country, iko-connect natin RITM, UP, and Isko was so happy, ‘Yan ang gusto ko, yan ang gagawin natin,” dagdag niya.
Kumpyansa naman si Ong na magiging mahusay na lider si Moreno.
“He did it in Manila and I’m very confident he will do it,” aniya. –A. Mae Rodriguez