IN a heartfelt Christmas message, Vice President Sara Duterte on Tuesday urged Filipinos to reflect on the true meaning of the season by embracing forgiveness, generosity, and love for one another.
“Sa ating pagsariwa sa diwa ng Pasko, tayong lahat ay tinatawag upang maging mapagpatawad, bukas-palad, at mapagmahal sa ating kapwa,” Duterte said in her Christmas message posted on her Facebook account.
“Ang kapanganakan ni Hesus ay isang mensahe ng kapatawaran na sumasailalim sa walang kapantay na pag-ibig ng Diyos sa lahat. Gamitin natin ang kaniyang halimbawa bilang inspirasyon sa ating pakikipag-kapwa, lalo’t higit sa ating pamilya at mga minamahal sa buhay.
“Higit sa mga materyal na bagay na ating matatanggap ngayong Pasko, tayo ay inaanyayahang magbigay ng pag-unawa, respeto, at pagmamahal sa bawat isa, lalo na sa mga mahihirap at may karamdaman.
“Ito ang tunay na diwa ng panahong ito, at ito ay isang paalala sa ating lahat, hindi lamang ngayong buwan ng Disyembre, kundi sa lahat ng araw.
“Muli, ipinapaabot ko ang aking mainit na pagbati sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo.
“Malipayong Pasko ug Mabungahong Bag-ong tuig kaninyong tanan!