NAGHAIN ng petisyon si Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na humihiling dito na harangin ang impeachment complaint na isinampa sa kanya sa Kongreso.
Inihain ni Duterte ang petition for certiorari and prohibition, with urgent application for temporary restraining order and writ of preliminary injunction, nitong Martes, Pebrero 18.
Bukod pa ito sa naunang inihaing petisyon ng grupo ng mga abogado mula sa Mindanao na isinampa rin sa nasabing araw.
Hiling ng pangalawan pangulo na ipawalang-bisa ang ika-apat na impeachment complaint na inihain ng Kamara, base sa Article XI ng Konstitusyon na nagsasabi na: “No impeachment proceedings shall be initiated against the same official more than once within a period of one year.”
“As a consequence, issue a writ of prohibition to enjoin the Senate of the Philippines from acting on the Fourth Impeachment Complaint due to violation of the One-Year Bar under the aforesaid Constitutional provision,” ayon pa sa petisyon.
Na-impeached si Duterte noong Pebrero 5, 2025. Ang Articles of Impeachment ay hawak na rin ng Senado na siya namang bubuo ng Impeachment court.
Nauna nang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na magsisimula ang impeachment trial sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo.