VP Sara may bagong aklat na binubuo: ‘Taksil na Kaibigan’

ITINANGGI ni Vice President Sara Duterte ang isyung ibinabato na plagiarized diumano ang librong kanyang isinulat na “Isang Kaibigan.”

“Napakadaling sumulat ng maikling kwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa,” ayon kay Duterte sa inilabas niyang pahayag.

Dagdag pa ni Duterte, nakahanda na ang susunod niyang libro na tungkol naman sa pagtataksil ng isang kaibigan.

“Abangan ninyo ang susunod kong isusulat na libro tungkol sa pagtataksil ng isang kaibigan.” dagdag pa nito.