VP Sara Duterte, ex-Sen. Trillanes biglang umapir sa Quad Com hearing

NABIGLA ang marami nang biglang dumalo sa Quad committee hearing si Vice President Sara Duterte Miyerkules habang humarap naman ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa dinidinig na extrajudicial killing noong panahong ipinatutupad na war on drugs.

Hindi imbitado ang bise presidente sa pagdinig at ang pakiwari ng marami ay nagtungo ito sa Kamara bilang suporta sa kanyang ama.

Tumanggi rin itong makapanayam ng mga reporter.

Tumanggi rin ang abogadong si Salvador Panelo, dating spokesperson ng nakaraang administrasyon, na sagutin ang mga tanong ng mga reporter.

Makatapos ang ilang oras ay bigla ring sumulpot sa pagdinig si dating Senador Antonio Trillanes, isang avid critic ng mga Duterte.

Imbitado si Trillanes sa pagdinig bilang resource person.