AYAW maging bise presidente ni Pangulong Duterte.
Ito ang inihayag ng pangulo sa panayam nito kay Pastor Apollo Quiboloy matapos maglutangan ang mga balita na si Duterte ang napipisil ng PDP-Laban na patakbuhin bilang pangalawang pangulo sa darating na halalan.
Anya, ayaw niyang maging presidente lalo pa’t siya rin ang pipili kung sino ang gusto niyang maging presidential running mate.
“Mahirap yan pastor kasi mag-retire na ako tapos this time ako ang mamili ng presidente, pag manalo sabihin nila, ano ko lang yan, perpetuate yourself in power so nagreresist ako,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na nakahanda na siyang magretiro sa pagtatapos ng kanyang termino.
“Ako naman, I am ready for retirement but if you ask what is my greatest achievement in a very humble way, ako pastor I exposed the oligarchy in the Philippines,” dagdag ni Duterte.
Nauna nang nagpasa ng resolusyon ang PDP-Laban na nanawagan kay Duterte na tumakbong vice president at piliin ang kanyang magiging ka-tandem sa pagkapangulo.