SIMULA na muli bukas, Disyembre 12, 2022 voters’ registration bilang preparasyon sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Tatagal hanggang Enero 31, 2023 ang registration, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco na bagamat walang pormal na kick-off ang pagbabalik ng voter registration sa buong bansa, magpapakalat ang poll body ng registration monitoring team sa Valenzuela City, Caloocan City (District 2, Grace Park), Taguig City, San Jose del Monte City, Bulacan at Imus City, Cavite
“I will be in Valenzuela City OEO (Office of Election Officer) before 8:00AM for the opening and then I’ll proceed to San Jose del Monte OEO after,” sabi ni Laudiangco.
Itinakda muli ang voter registration bilang paghahanda para sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na gaganapin sa Oktubre 2023.
Isasagawa ang voter registration mula Lunes hanggang Sabado, kasama na ang mga holiday mula alas-8 hanggang alas-5 ng hapon.
Tuloy din ang pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP) na isasagawa sa SM Fairview, SM Mall of Asia, SM South Mall, Robinsons Place Manila, at Robinsons Galleria mula Disyembre 17, 2022 hanggang Enero 22, 2023 tuwing Sabado at Linggo.