Vilma Santos, mga anak naghain ng kandidatura

PORMAL nang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) si Vilma Santos-Recto at mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto para sa kanilang pagtakbo sa iba’t-ibang posisyon sa Batangas.

Target ni Ate Vi ang pagiging gobernador habang pagkabise gobernador ang tatakbuhin ni Luis at kinatawan ng 6th District ang kay Ryan Christian.

Kasama nila sa paghahain ng COC ang mister ni Vilma na si Finance secretary Ralph Recto.