TINANGGIHAN ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang alok ng ibang political party na umanib siya sa grupo matapos siyang magbitiw bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko.
Ayon kay Sotto, hindi siya interesado na sumali sa ibang political party.
“Mayroon (nang nag-aalok) pero hindi ako interesado,” sagot ni Sotto nang tanungin kung may mga partidong lumiligaw sa kanya para siya ay umanib.
“I’m an advocate of stronger political parties and stronger political party systems in the Philippines… Hindi ako sasali ng political party just for the sake of my political gain. Hindi ako interesado,” ayon pa kay Sotto.
Bukod dito, wala rin anyang benepisyong maibibigay ang pagsali sa mga political party.
“Sa local politics, sadly, it’s not that relevant,” aniya ng alkalde. “Kung para lang sa political gain, hindi ako sasali ng political party. I have nothing to gain from it.”
“The only reason that I might join a political party is if I really believe in the party principles, the party ideology and how the party is being run,” paliwanag pa niya.
Binanggit din niya na mahina ang political party sa bansa.
“Even if you observe or ask around, mahina talaga ang political party system sa Pilipinas. Hindi yan sikreto. Alam yan ng buong mundo,” ayon kay Sotto.