Vico Sotto inasunto ng cyber libel

NAHAHARAP si Pasig City Mayor Vico Sotto sa cyber libel complaint na inihain ni Vice Mayor Christian ‘Iyo’ Bernardo noong Biyernes.

Nag-ugat ang reklamo ni Bernardo, katunggali ni Sotto sa pagka-alkalde sa darating na May 9 elections, sa Prosecutor’s Office dahil sa umano’y “paninira” o paninirang-puri sa isang flag ceremony speech noong Enero na sumisira sa kanyang reputasyon.

“Ito pong nangyaring insidente sa flag ceremony, naniniwala kasi ako na hindi mo dapat ginagamit ang flag ceremony. Ginagamit ho ito para pasalamatan ang mga empleyado po namin para i-encourage para lalo pa pong mag trabaho po para sa mga Pasigeño,” sinabi ni Bernardo.

“Kasi basically, ‘yung sinabi niya duon sa flag ceremony ay kinekwestyon po ang trabaho ng vice mayor. Ako po bilang vice mayor, ako po ang namumuno ng mga pangangailangan nila sa ayuda during the pandemic po, because basically, what he said at the flag ceremony questioned the vice mayor’s job. As vice mayor, I am in charge of their aid needs during the pandemic,” dagdag pa niya.

Sinabi ng abogado ni Bernardo na si Atty. Ramon Gerard Hernandez na ayaw nitong mabahiran ng pulitika ang pagsasampa niya ng kaso.

“So, in as much as ayaw talaga natin mabahiran ng ginagamit for political propaganda, siguro kapag inale natin ito mga one month or two weeks before the election itself ay duon baka pwede pa, pero ang layo naman,” ayon kay Hernandez.

Samantala, sinabi ng Public Information Office ng Pasig City sa media na hindi pa sila nakakatanggap ng pormal na reklamong inihain laban kay Sotto.