Vice Ganda for mayor of Manila?

KUNG ang talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ang tatanungin ay may karapatang mag-alkalde ang TV host-comedian na si Vice Ganda.

Sa latest edition ng kanyang “Showbiz Update” vlog, marami ang kumukumbinse kay Vice na tumakbo sa midterm elections sa 2025.

“Alam mo si Vice Ganda kasi taga-Tambunting ‘yan. Sa Abad Santos. Malapit sa Tondo saka sa Divisoria. Alam mo ba, si Vice, kung ‘di ako nagkakamali kung isinasagawa pa rin niya at naging panata na niya, ‘yung mga bata roon kailangang kumain tuwing umaga bago pumasok sa school. Mayroon siyang budget for that,” ani Ogie.

“Pero ‘yun ngang parang Mayor, aba, may karapatan naman si Vice,” dagdag niya.

Ayon kay Ogie, hinihimok din si Vice para tumakbong senador.

“Pwede niya sigurong i-consider. Pero pag-iisipan niya nang masinsinan ‘yan at malaliman ‘yan,” sambit niya.

“Kasi sinasabi sa akin dati ni Vice na ang hirap ‘pag dedepende ka lang sa itinutulak ka lang ng mga tao. Dapat talaga gusto ng puso mo,” sabi pa ng talent manager.