NAKATAKDANG dumating si US Vice President Kamala Harris para makipagpulong kay Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa Nobyembre 20.
Dalawang araw mamalagi si Harris sa bansa. Isa sa Maynila kung saan makikipag-usap siya kay Marcos, at sa Puerto Princesa naman para doon makpag-ugnayan kay Duterte.
Darating gabi ng Nob. 20 matapos ang partisipasyon niya sa APEC Summit sa Bangkok, Thailand.
Sa kanyang pakikipagpulong kay Marcos, tatalakayin nila ang pagpapalakas pa ng ugnayang Amerika at Pilipinas sa usaping pang seguridad at pang ekonomiya.
Haharap din si Harris sa civil society activist sa Maynila para ipakita ang patuloy na pagsuporta ng US sa pagpapahalaga sa human rights at democratic resilience.
Sa pagtungo naman niya sa Palawan, inaasahan na pupulungin niya ang ilang mga residente rito, kabilang na ang mga society leaders at representatives ng Philippine Coast Guard.
Si Harris ang pinakamataas na opisyal ng Amerika na bibista sa Palawan.