SUPORTADO ng Estados Unidos ang posisyon ng Pilipinas na bumabatikos sa idineklarang fishing ban ng China sa West Philippine Sea.
Iginiit ng State Department ang Hague ruling noong 2016 kung saan ibinasura nito ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea, gayundin ang UN Convention on the Law of the Sea.
“The PRC’s unilateral fishing moratorium in the South China Sea is inconsistent with the 2016 Arbitral Tribunal ruling and international law. We call upon the PRC to abide by its obligations under international law,” sabi ni State Department spokesman Ned Price.
Nauna nang ipinag-utos ng China ang fishing ban sa West Philippine Sea hanggang Agosto 2022.
Noong Martes, ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang Chinese diplomat kaugnay ng fishing ban na China at ang panghaharass ng barko ng Chinese Coast Guard sa isang marine research vessel ng Pilipinas.