SINABI ni Senate President Juan Miguel Zubiri na iba-bypass si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa harap ng mga isyung kinasasangkutan.
Idinagdag ni Zubiri na hindi maihahabol ang kumpirmasyon ni Tulfo dahil hanggang Miyerkules na lamang ang sesyon ng Kongreso.
Ayon pa kay Zubiri, dapat munang masagot ni Tulfo ang isyu ng kanyang libel at citizenship.
“Ang DSWD secretary is a bit more complicated yung isyu ng kanyang conviction with finality sa Supreme Court. The Commission on Appointments never confirmed anyone that had final conviction,” sabi ni Zubiri.
Sinabi pa ni Zubiri na kailangan ding patunayan ni Tulfo na binitiwan na niya ang kanyang American citizenship.
Aniya, kailangang maitalaga muli ni Pangulong Bongbong Marcos si Tulfo sakaling ma-bypass.