NAGLITANYA sa social media si dating Senador Antonio Trillanes IV dahil sa diumano’y pangdededma sa kanya ni Vice President Leni Robredo.
Masamang-masama ang loob ng dating senador matapos mapaulat na nakipag-usap na pala si Robredo sa dalawang politiko na posibleng tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Trillanes na matagal na umano siyang humihingi ng meeting kay Robredo ngunit lagi itong tumatanggi at ang katwiran ay nasa gitna pa ng pandemya at mas maraming dapat unahin.
“To those who are asking why I tweet immediately instead of meeting with VP Leni for enlightenment, this is the reason: Since January, I / Magdalo, and later on through Tindig Pilipinas, are requesting a meeting with VP Leni so that the preparation can begin,” pahayag ni Trillanes.
“But, she doesn’t want to meet us because it’s a sin to God to talk about the 2022 Elections while there’s a pandemic,” dagdag pa niya.
“Then we will know that she met with [Former Camarines Sur Representative] Nonoy Andaya, and [Senators] Ping Lacson and Gordon Richard Gordon…” hirit pa ni Trillanes.
Una nang nagsabi si Trillanes na aatras siya sa kanyang presidential bid kung magdesisyon si Robredo na tatakbo sa pagkapangulo.
Dahil sa bagong development, nagbanta si Trillanes na hindi susuportahan ng kanyang Magdalo group ang kandidatura ni Robredo kapag nakipag-ayos ang huli kay Lacson at Senate President Vicente Sotto III.
Ginawa ni Trillanes ang reaksyon matapos kumpirmahin ni Lacson at ni Gordon na nakipag-usap sila kay Robredo para sa “possible partnership”.