ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anak ni Senator Lito Lapid na si Mark Lapid bilang Chief Operating Officer ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Bukod kay Lapid, kabilang sa mga bagong binigyan ng pwesto ay ang aktor na si Tirso Cruz III na ininalaga bilang chairperson and chief executive ng Film Development Council (FDC).
Kabilang din sa mga bagong talaga ay si Junie Cua bilang chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); Antonio Manuel Lagdameo bilang Ambassador at Permanent Representative of the Philippines to the United Nations; Romeo Lumagui, Jr, Deputy Commissioner for operations ng Bureau of Internal Revenue (BIR); Juan Revilla, board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB); at Ambassador Jose Manuel Romualdez na muling itinalaga bilang Philippine Ambassador to United States.
Pormal silang nanumpa kay Marcos kasama sina Abdulghani Salapuddin bilang Southern Philippines Development Authority (SPDA) Administrator at Chairman; Jose Arnulfo Veloso bilang President at General Manager of Government Service Insurance System (GSIS); Ramon Zagala, Presidential Security Group (PSG) Commander at Senior Military Assistant; at Amenah Pangandaman, Secretary of the Department of Budget and Management (DBM).