GANITO tinapos ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang kauna-unahang State of the Nation Address na tumagal ng isang oras at 14 na minuto.
Sa kanyang huling pahayag naniniwala na maayos ang estado ng bansa at umaasang kakayanin nito ang mga suliraning kinakaharap nito ngayon.
“We will endure. I know in my mind, in my heart, and in my very soul that the state of the nation is sound,” pahayag ni Marcos.
Sa kanyang talumpati na 82 bese na pinalakpakan at may dalawang standing ovation, kinilala ni Marcos ang paghihirap at pagtityaga ng mga Pilipino sa pagsuong ng mga problema dala ng pandemya at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Gayunman, naniniwala siyang may nakikita siyang liwanag mula sa madilim na kalangitan.
“Batid ko na hindi madali ang ating pinagdaraanan sa nakaraang higit na dalawang taon. Alam ko rin na ang bawat isa sa inyo ay ginagawa ang lahat ng inyong makakaya upang patuloy na harapin ang lahat na ng pagsubok sa kasalukuyan,” anya pa.
“I do not intend to diminish the risk and challenges that we face in these turbulent times in global history, and yet, I see sunlight filtering through these dark clouds,” dagdag pa ni Marcos.
“We have assembled the best of Filipino minds to help navigate us to this global crisis that we are now facing. We will endure. Let our Filipino spirit ever remain undimmed,” anya pa.