ITO ang biro ng mga netizens makaraang maghain ng kanyang certificate of candidacy para sa 2025 midterm elections ang social media star at entrepreneur na si Rosmar Tan-Pamulaklakin nitong Martes, Oktubre 1.
Tatakbo si Rosmar bilang konsehal sa unang distrito ng Maynila.
Noong 2022, tumakbo siya kaparehong posisyon sa fourth district ng siyudad pero hindi siya pinalad na manalo.
Nang tanungin kung bakit gusto niyang muling sumabak sa eleksyon: “Wala naman po talaga ako kasing balak. Nagkataon lang po ngayon nakumbinsi po nila ako dahil sabi po, mas marami daw po akong matutulungan kapag nakaposisyon.”
Ipinagmalaki naman ni Rosmar na malinis ang kanyang hangarin.
“Opo, gahaman ako sa social media, pero hindi po ako kurakot,” pagdidiin niya.
Aprub naman sa ilang netizens ang bagong landas na tinatahak ng negosyante na umamin na kumikita siya ng hanggang P13 milyon kada araw sa kanyang skin care brand.
“She’s a preparatory Med graduate, a businesswoman, and a content creator. I don’t see any problem with her filing for candidacy.”
“Protect our Queen at all cost. Entrepreneur, Big sister, Beauty queen, Pop star, Rapper, CEO, Millionaire, Councilor. Grabe nakakapagod maging Isang Rosmar!”
“A woman of all trades. She is successful in her businesses and pays the right taxes. I’m sure she can handle and manage her constituents. Si Rosemar may napatunayan sa negosyo, at sa pagtulong sa kapwa. Iba nga dyan mga nananalo walang nagawa nagpaparamdam lang pag election daming pinangako wala natupad.”
May ilan na nagbiro na puputi at kikinis ang mga taga-Maynila kapag naluklok sa puwesto si Rosmar.
“Kapag nanalo si rosmar lahat ng taga maynila naka rejuv set. Ang mauna pumuti may iphone!” “Vote for rosmar free kagayaku soap.” “Vote niyu siya libre na kagayaku sa buong bansa kya lahat popoti na.”