SUPORTADO ng 41 porsiyento ng mga Pinoy ang sinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa survey na kinomisyon ng Stratbase Consultancy, at isinagawa mula Disymebre 12 hanggang 18 noong nakaraang taon, sinabi rin na 35 porsyento naman ang tutol sa impeachment laban kay Duterte habang 19 posyento ang undecided.
Tatlong impeachment complaint ang nakabinbin ngayon sa Kamara. Inihain ang mga ito base sa hindi maipaliwanag na confidential funds na inilaan sa tanggapan ni Duterte sa Office of the Vice President at Department of Education.
Halos 50 porsyento ng Balance Luzon ang naniniwalang dapat ituloy ang impeachment laban kay Duterte habang 56 porsyento ng mga taga Mindanao ang tutol dito.
May 2,160 katao ang tinanong ng SWS para sa nasabing survey. Ito ay ay may ±2 percent margin of error.