MULING nanawagan ang mga lider ng Kamara sa Senado na agad ipasa ang Resolution of Both Houses No. 6 upang bigyang daan ang pag-amyenda sa mga economic provisions ng Konstitusyon, lalo pa ngayon na nagpahayag na si Pangulong Bongbong Marcos ng kanyang pagsuporta sa Charter change.
Dahil dito, hinamon ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David “JayJay” Suarez ang mga senador na patunayan na totoo silang mga kaisa sa nation-building at hindi mga “obstructionists”.
“It is high time for the Senate to prove whether they are genuine partners in nation-building or mere obstructionists. The passage of RBH No. 6 is a litmus test of their commitment to meaningful reforms that will benefit the Filipino people,” ani Suarez matapos ihayag ni Marcos na kailangang amyendahan ang mga restrictive economic provisions ng Saligang Batas sa harap ng Philippine Constitution Association (Philconsa) kasabay ng paggunita ng Constitution Day nitong Huwebes.
“The successful passage of RBH No. 6 will not only validate the efforts of the administration to promote economic development but also vindicate the aspirations of millions of Filipinos for a better and brighter future,” dagdag pa ni Suarez.
Hinikayat rin nito ang mga senador na isantabi muna ang pulitika at pagtuunan ng pansin ang pangunahing layunin ng pamahalaan na itatag ang isang matibay at masaganang bansa.
“By amending restrictive economic provisions, we can create a more conducive environment for business and entrepreneurship, spur innovation and competition and generate more jobs and opportunities for our people,” dagdag pa nito.
Samantala, naniniwala naman si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang ginawang pahayag ni Marcos hinggil sa hayagang pagsuporta sa charter change ang siyang magwawakas sa nangyayaring alitan sa pagitan ng ilang lider ng Kamara at Senado.
“This should clear the doubts of some Senators, especially from a former party-list colleague, that the House wants more than economic reforms to the 37-year-old charter. The President’s remarks are the endorsement we all need to assure the Senate that there is no basis in their accusations against alleged House plans to abolish it or take it out of the equation,” ani Barbers.
Sinabi naman ni House committee on constitutional amendments chair at Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na sa ginawang pahayag ni Marcos, nangangahulugan lang anya na buhay na buhay pa Charter Change na isinusulong ng Kamara.