MULING bumanat si House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez laban kay dating Speaker Pantaleon Alvarez matapos upakan nang huli si Speaker Ferdinand Martin Romualdez dahil sa pagsusulong nito na amyendahan ang Konstitusyon.
Kinuwestyon ni Suarez ang moral authority ni Suarez dahil sa patuloy nitong pagbatikos kay Romualdez bunsod ng paninindigan ng huli na dapat nang isulong ang pag-amyenda sa 37-anyos na Saligang Batas.
Ayon pa sa mambabatas mula sa Quezon, walang karapatan si Alvarez na kuwestyunin ang mga hakbang na ginagawa ni Romualdez, lalo pa’t wala itong matibay na posisyon hinggil sa usapin ng Charter change.
“It’s perplexing to hear moral judgments from someone with such a fluctuating stance on constitutional change. Former Speaker Alvarez’s inconsistent positions raise valid questions about his moral ascendancy to criticize those currently advocating for reforms,” ani Suarez.
“One must wonder about the sincerity of these criticisms when they come from someone who, not too long ago, championed similar reforms. Moral ascendancy requires a consistent and principled stand, which seems to be lacking in this case.”
Ginawa ni Suarez ang pagtuligsa kay Alvarez matapos itong magdeklara na tutol siya sa pagbabago sa Konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative dahil sa wala umano siyang tiwala sa Speaker.
Ayon kay Alvarez, masidhi ang pagsusulong ni Romualdez sa Chacha sa pamamagitan ng PI dahil may personal agenda ito.
“Rep. Alvarez’s attempts to undermine Speaker Romualdez are not just unfounded but reek of political opportunism. It’s time to set the record straight and expose these baseless attacks for what they are,” dagdag pa nito.