Sotto top VP choice, ayon sa Pulse Asia survey

NANGUNA si Senate President Vicente Sotto III sa vice presidential preference survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong September 6 hanggang 11.

Nakakuha ng 25 percent rating si Sotto, ang ka-tandem ni Senador Panfilo Lacson, na nasa ika-pitong pwesto sa presidential sruvey.

Malayo naman ang agwat ng sumusunod kay Sotto sa ikalawang pwesto na si Pangulong Duterte na nakakuha lamang ng 14 percent.

Tie naman sa ikatlong at ika-apat na pwesto sina Manila Mayor Isko Moreno at dating Senador Bongbong Marcos na kapwa nakakuha ng 12 percent habang si Senador Manny Pacquiao ang nasa pang-limang pwesto.