NASA ospital ang self-proclaimed na “son of God” na si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy simula pa noong Biyernes matapos itong mag-complain na sumasakit ang dibdib at ireguar na pagtibok ng puso, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa press conference sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni PNP information chief and spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na naka-confine si Quiboloy sa PNP Philippine Heart Center para sumailalim sa eksaminasyon.
Ito ay matapos payagan si Quiboloy ng Pasig Regional Trial Court na sumailalim sa medical furlough dahil sa dinanas nitong paninikip ng dibdob noong Nov. 7, dahilan para isugod siya sa PNP General Hospital.
Pinayagan siya ng korte na manatili sa ospital hanggang Nov. 16.