SolGen: ICC warrant of arrest kay Digong wala pa

WALA pang natatanggap na notice of arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ginawang paglilinaw ng SolGen hinggil sa kumakalat na balita na may inisyu nang arrest warrant ang ICC laban sa dating pangulo.

“We have not received any such notice from the ICC,” ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra nitong Linggo.

Sa ekslusibong report ng Rappler, sinabi nito na may inilabas na warrant of arrest ang ICC laban kay Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity bunsod ng madugong kampanya laban sa ilegal na droga noong kanyang administrasyon.

Nauna nang nagpahayag ang administrasyong Marcos na hindi ito makikipagtulungan sa ICC para sa ginagawang pag-iimbestiga laban sa dating pangulo at mga tauhan nito na nanguna sa kampanya wa war on drugs.