WANTED ngayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga social media influencers na kumikita ng malaki mula sa kanilang mga blogs or vlogs ngunit hindi nagbabayad ng buwis.
Ayon sa BIR, bagamat merong ilan ang nagdedeklara ng kanilang kita at nagbabayad ng buwis, marami ang nakakalibre naman sa buwis.
“Therefore, if a social media influencer receives free products in exchange for the promotion thereof on his/her/it YouTube channel or other social media accounts, he/she/it must declare the fair market value of such products as income,” ayon sa BIR.
“Income treated as royalties in another country, including payments under the YouTube Partner Program, shall likewise be included in the computation of the gross income of the social media influencer and shall be subjected to the schedular or corporate tax rates,” dagdag pa nito.
Iginiit din ng BIR na obligado rin ang mga ito itong magbayad ng business tax.
Pagmumultahin naman ng ahensya mula P500,000 hanggang P10 milyon ang nga influencers na hindi susunod dito.