ITO ang mensahe ni Heart Evangelista sa pagkakahirang bilang Senate President sa mister na si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero.
Nitong Lunes ay humalili si Escudero sa puwesto ni Sen. Juan Miguel Zubiri.
Sa Instagram, sinabi ni Escudero na “isang napakalaking karangalan ang makapagsilbi bilang ika-25 na pangulo ng Senado.”
“Nagpapasalamat ako sa tiwala at pagkakataon na ibinigay sa akin ng ating mga kapwa senador upang pamunuan ang Senado,” aniya.
“Makakaasa kayo na sa aking pamumuno, ipagpapatuloy natin ang pagsasabatas ng mga panukalang nagsusulong na maiangat ang buhay ng bawat Pilipino,” dugtong ng mambabatas.
“Magiging katuwang tayo ng Executive Branch sa paninilbihan upang paunlarin pa ang ating Inang Bayan,” pangako ni Escudero.
Sa comment section, isa si Heart sa mga bumati sa asawa.
“So proud of you babe love you,” wika ng aktres at style icon.