LUSOT na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong isama ang smuggling ng tobacco products sa economic sabotage.
Inamyendahan ng House Bill (HB) No. 3917, ang Republic Act (RA) No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 kung saan isinasama na ang large-scale agricultural smuggling ng tobacco products sa krimen ng economic sabotage.
Kasama sa maaaring kasuhan ng economic sabotage ang mga ini-smuggle sa bansa na aabot sa P1 milyon pataas.
Sa ilalim ng House bill 3917, mahaharap sa pagkakakulong ng mula 30 hanggang 40 taong pagkakakulong.